Sorry, girls: Vico di magpapakasal pagkatapos ng pandemic

SUMABOG ang social media nang kumalat ang photo quote kung saan sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na plano niyang mag-asawa ng social worker pagkatapos ng pandemic.

Pero agad naman itong itinanggi ng alkalde. “Fake quote,” aniya sa Twitter. Sinagot ni Sotto ang isang netizen na nagtanong kung totoo ba ang nakalagay sa photo quote niya na “Girls, maga-aasawa ako after this pandemic.

Gusto ko sana social worker, baka may kilala kayo ipaalam agad sakin.”