Sexy picture ni Kakai nilait: Thai actor baka maduwal

SHORT and sweet ang resbak ng comedienne na si Kakai Bautista sa nag-comment sa kanyang swimsuit photo na baka masuka ang Thai actor na si Mario Maurer kapag nakita ang picture niya.

Ipinost sa Instagram ni Kakai ang kanyang picture wearing a navy bathing suit while showing her behind. Ang caption niya: “Eeeeeey haba ng biyas nyan syaaaaaa?!!”

Halos lahat ay natuwa sa post ni Kakai, with some even saying na ang hot ng komedyana. Except one. Chika nito: “haha baka maduwal si Mario.”

Composed and very chill naman siyang nireplayan ni Kakai. “Nay akap. Kung ikakasaya mong ibash ako at yan ang paraan ng pagcope mo pandemic, sige lang. Go lang. Pero hindi ko sagot ang pang ospital mo kapag umapaw ang hatred mo sa puso at biglang pumitik yan ah. Stay safe,” ani Cacai.