Grab may libreng lugaw promo

DAHIL viral pa rin hanggang ngayon ang video ng Grab rider na hindi pinayagang maghatid ng lugaw sa San Jose del Monte, Bulacan dahil hindi raw “essential” ang nasabing pagkain, may niluto agad na promo ang food delivery service.


Ayon sa Grab, pwedeng maka-avail ng free delivery ang mga kostumer gamit ang isang special promo code.
“Use LUGAWISESSENTIAL to get free delivery on your GrabFood order! T&Cs apply,” sabi ng Grab.
Pwede ring umorder sa GrabMart ng mga ingredients sa paggawa ng lugaw, gaya ng sibuyas, asin, bawang, itlog at luya, at libre rin ang delivery gamit ang nasabing code.


Kaugnay nito, sinaluduhan ng Grab ang kanilang mga delivery drivers sa pagiging masigasig kahit may pandemya.


“Let’s give thanks to all our Grab riders na tuloy lang sa paghatid ng ating essential needs and for always following rules and guidelines whenever, wherever! Saludo po kami sa inyo, our kuyas and ates!”


Nagpatutsada rin ang delivery service sa mga opisyal ng Brgy. Muzon sa San Jose del Monte na sumita sa driver at sinabing “If food is essential and lugaw is food, therefore #lugawisessntial.”