SB19 nominated sa Billboard Music Awards

NOMINADO ang Pinoy-pop boy group na SB19 sa Top Social Artist ng Billboard Music Awards 2021, ang kauna-unahang Filipino group na nakagawa nito.

Binasa ng Fil-Am social media celebrity na si Bretman Rock ang listahan ng mga nominado sa nasabing kategorya.

Kasama rin listahan si Ariana Grande at ang mga K-pop groups na BTS, Blackpink, at SEVENTEEN.

Apat na sunod-sunod na taon nang napagwawagian ng BTS ang nasabing category.

Ang Top Social Artist award ay ibinibigay base sa mga boto ng mga fans at sa dami ng stream at social media engagement ng kanta at music videos. –A. Mae Rodriguez