30 pang Pinoy sa India nadale ng Covid-19

SA loob lamang ng dalawang araw ay 50 Pilipino na sa India ang nagpositibo sa Covid-19, iniulat ni Philippine Ambassador Ramon Bagatsing Jr.

“In just this month alone, it’s terrible. Three days ago, we had two deaths. Tuesday, I had only 20 reports of COVID positive cases. As of (Thursday), I had to add 30 more. So now I have 50 Filipinos with Covid” ani Bagatsing.

Ayon sa opisyal, mayroong 3,000 Pilipino sa India kung saan 80 porsyento ang asawa ng tagaroon habang ang natitira ay mga OFWs, guro, estudyante at park.

Karamihan sa mga ito, dagdag niya, ay nais nang bumalik ng Pilipinas sa takot na mapabilang sa daan-daan libo ng arawang kaso ng Covid-19.

Larawan mula sa: Voice of America