Sawsawerang starlet kumambiyo kay Jane: ‘Gets ko na why she was chosen as Darna’

IGINIIT ng dating dancer ni Willy Revillame sa “Wowowin” na si RR Enriquez na sexy pero walang sex appeal si Jane de Leon nang mag-transform ito bilang Darna.

Sa mahabang hanash sa Facebook, ipinagyabang niya sa publiko na pinag-isipan pa niya nang mabuti ang bagong iko-comment kay Jane dahil inaabangan umano ito ng mga netizens.

Narito ang sey ni RR:

“Agang sawsaw Kagabi ko pa ito kinompose kaso nakatulog ako kakaisip ng [sic] isusulat.

“Gravity yung effect ng comment ko as a SawsaweRRa Queen kay Darna. Dami nag-aabang ng comment ko.

“Yung iba talagang mahina lang ang IQ na akala mo once you gave your opinion or comments akala nila hater ka na.
But anyways since some of you wants [sic] me to sawsaw kahit busy ako sa vacation gogogo.

“Infairness [sic] sexy po siya, pinanood ko din [sic] yung video pero mga clips pa lang. Sexy po ng dating niya but I still didn’t see the sex appeal.

“I think what I will say next is still a compliment.

“Hindi siya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka-inosente ng dating niya. Hindi katulad ng dating nila Angel and Marian na pagnanasaan mo agad. Yung makakaubos ka ng madaming tissue CHAROT.

“Parang gets ko na why she was chosen as Darna.

“Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (Wonder woman in her) Hindi din [sic] siya pa-super sexy di ba? So that’s what I saw with [sic] Jane… pinatunayan niya na hindi kailangan maging super pasexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.

“Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina-fantasize agad (marami kasing maniac sa Pinas isa na ako doon [sic]) CHAROT
But sa character na nakita ko parang nagets ko na they wanted to show us na hindi lang pang sexy fantasize [sic] si new Darna. You can love her and focused [sic] on her other characteristics… A strong define [sic] classy young woman DARNA…

“One thing I noticed also pina-package sya as Darna pero hindi pang FHM or Maxim or Playboy where people can fantasize you [sic] .. Pansinin n’yo inilabas agad Metro Mag because her beauty is not for any [sic] sexy magazine… Pang high-class packaging.
Maganda po ang packaging niya so gets ko na po si ABS-CBN.

“So ayun po good congrats Jane you nailed it.

“Yung mga low IQ and mahina ang reading comprehension at hindi marunong umintindi ng honest opinion, constructive criticism sa bashing and hating lang, please mag aral kayo mabuti. Sayang ang tuition fee CHAROT.

“PS. Again my sawsaw is not to bash people and not to sugarcoat. I want to give my honest opinion and to #SawsawWithAHeart so bare [sic] with me.

Bago ito, inulan ng hate mula sa netizens si RR
makaraang mag-trending ang transformation ni Jane.