Marcos nagtalaga ng acting SRA administrator

ITINALAGA ni Pangulong Bongbong Marcos si David John Thaddeus Alba bilang Acting Administrator ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Kinumpirma ni Executive Secretary Victor Rodriguez ang pagkakahirang kay Alba.

Pinalitan ni Alba si Hermenegildo Serafica na nauna nang nagbitiw dahil sa kontrobersiyal na Sugar Order Number 4 kaungay ng pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng asukal.