No sex before marriage kaya n’yo rin ‘yan– EA Guzman

NAGPASALAMAT ang aktor na si EA Guzman sa mga Pinoy na nagparating ng paghanga sa kanya dahil sa prinsipyo niya na “no sex before marriage.”

Sa panayam ni Ervin Santiago ng Bandera, sinabi ni EA na nakakataba ng puso ang mga komento ng netizens ukol sa pagrespeto niya sa nais ng girlfriend na si Shaira Diaz na manatiling virgin hanggang sa maikasal sila.

“Ang sarap lang ding basahin mga nakikita kong comment and writeups about Shaira and me. Sinasabi nila na hanga sila, idol. Maraming salamat kasi mahirap din sa akin. Hindi siya madaling gawin, kumbaga ang dami ko ding sacrifices,” ani EA.

“Pero ginawa ko ‘yon because of Shaira, dahil mahal ko si Shaira,” dagdag niya. Naniniwala naman ang aktor na kaya rin ng iba ang ginawa niyang pagsasakripisyo.

“Kung kaya ko, kaya n’yo rin ‘yan,” wika ni EA. 

“Kami ni Shaira, hindi namin sinabi or in-announce dahil gusto naming magpasikat or something, gusto rin namin na may mapulot silang magandang lesson sa amin, sa relationship namin at ‘yung love namin sa isa’t-isa.

Nakatakda sa 2026 ang kasal ng dalawa na ngayon ay 11 taon nang magkarelasyon.