Pinsan ni Francine kay Andrea: Feeling maagawan, di ka mauubusan, liar!

BEAST MODE ang ina at pinsan ng young star na si Francine Diaz kay Andrea Brillantes matapos ang mga rebelasyon nito.

Sa burado nang post, inalmahan ng ina ni Francine na si Merdick Diaz ang umano’y pambu-bully ni Andrea sa kanyang anak.

“Nanahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na. Wag mo ‘ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo! Baka magkaalaman tayo hanggat maari ayaw ka patulan. Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko,” ani Merdick.

“Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo, hindi ibig sabihin ok lang sa amin. Wag ako Andrea Brillantes,” dagdag niya.

Niratrat din niya si Seth Fedelin.

“At ikaw Seth, sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko,” sey ni Merdick.

Tinawag namang sinungaling ni Christle Saenz, pinsan ni Francine, si Andrea Brillantes nang itanggi nitong sinugod niya si Francine dahil nagselos ito nang malaman ma magkasama noong pagsalubong sa Bagong Taon sina Seth at Francine.

“Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod nya yung pinsan ko sa dressing room! Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH! So feeling mo naman ka attitude mo si Chin?” sey ni Christle.

“Feeling maagawan, cheater naman! Wag mo kami pikunin baka sugurin ka din namin! Ikaw na nga nagloko, dadamay mo pa si Chin! Lahat na lang kasi gusto mo! Ikalma mo girl alam namin di ka mauubusan nyan baka ikaw mismo maubos! Minus 1,000 ka kay Lord kung palagi ka magmamalinis!” dagdag niya.