WALANG nakikitang masama ang publiko sa paggamit ng ina ni Sarah Lahbati ng plastic container bilang lalagyan ng ulam ng kanilang driver.
Sa Instagram, ipinost ni Esther Lahbati ang reel ng paghahanda niya ng pananghalian na may caption na “Lunch Saturday Chill.”
“Our lunch for today tinolang manok with papaya, lemon grass, luya, onion and garlic plus sautéd bunga ng malunggay at dahon ng malunggay healhty living. Galing ang gulay sa bakuran ni aling Esther,” sey ni Aling Esther.
Makikita sa video na nagsasandok siya ng ulam para sa kanilang driver na inilagay niya sa basyo ng cup noodles at microwavable plastic container.
Pinintasan ng ilang netizens si Aling Esther ang paggamit ng plastic pero mas marami ang dumepensa rito.
“Wala naman masama siguro dun as long as malinis ang lagayan et yung pagkain masarap at malinis, mahalaga busog di na uso ngayon ang sobrang aarte.”
“Ang mahalaga nagpakain kesa ginutom. Ako nga, amo ng sarili kong tahanan eh nakain sa plastic container at nakakamay lang. Huwag masyadong maselan. Arte-artehan eh wala ka ngang maisaing.”
“Ang importante pinakain sa tama at malinis na pagkain.”
“Ako nga sa dahon sa saging.”
“Anong problema…jan din ako kumakain araw araw baunan ko ganyan.”
“Libre hugas nga naman…wag na mag pasosyal-sosyal. Simple lang ang buhay.”