Shaira sa body shamers: Sa chubby mo makikita ang ganda

TULOY ang buhay kay Queen of Bangsamoro pop Shaira sa kabila ng kinahaharap niyang kontrobersya kaugnay sa hit song niyang “Selos.”

Sa Facebook, inihayag ni Shaira na kahit tinanggal na sa mga digital streaming sites ang “Selos” bunsod ng copyright issue ay “okay na okay po ako.”

“Sa mga totoong kaibigan at concern po sa akin, Alhamdulillah okay na okay po ako.  Basta more Sab’r lang sa mga taong ayaw sayo at gustong kang masira. Maging Masaya lang po tayo sa mga buhay natin, Ramadhan Mubarak,” mensahe niya.

Sinopla naman ng mang-aawit ang ilang netizens na pinayuhan siyang magpapayat dahil hindi umano akma ang katawan niya sa taguring pop queen.

“Daming nagsasabi at nagmumungkahe na dapat daw magpapayat ako dahil celebrity na daw ako kaya dapat maganda ang body figure, Sorry po, di po ako artista, Local Artist lamang po ako,” pahayag niya.

“And i am proud to say na Sa Chubby mo makikita ang Ganda. LAHAT NG CHUBBY O MATABA AROUND THE GLOBE MAG-INGAY! Good Vibes lang!” dagdag ng singer.