Netizens napa-Hesusmaryosep sa music video ni Skusta Clee

NA-BASH nang husto ang rapper na si Skusta Clee dahil sa panggagamit umano niya sa isyu nila ng karelasyong si Zeinab Harake para i-promote ang kanyang kanta na “Kumpisal.”

Nitong nakaraang linggo ay inilabas ang music video ng bagong single ni Gloc 9 kung saan si Skusta ang featured artist.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 1.2 milyon views at 40,000 likes sa YouTube ang music video.

Samantala, nadismaya ang ilang netizens dahil ginawa umanong stage ang simbahan para sa nasabing music video at si Skusta ang napagbuntunan nila ng inis.

Komento ng mga bashers ng rapper:

“Lord patawarin nyo po ito sapagkat di nya alam ang kanyang ginagawa, kung pwede kunin nyo na rin sya lord.”

“Pati simbahan dinamay sa katangahan hahahhaha.”

“Seriously skusta clee?? gumawa ng wordly music video inside the church.”

“Disrespecting the house of the Lord. Bakit kaya sa lahat diyan pa nainisipan mag shoot? Bakit kaya pinayagan?”

“Matic twing may hiwalayan may bagong kanta ren na lalabas napaka scripted ng career ng animal na to.”

“Bkt sa simbahan? bigyan nyo naman ng konting respeto ang simbahan nyo. yan ay banal.”

“Sa simbahan pa talaga nag eksena ng ganyang kanta, hayaan mo nakikinig sayo si Lord kukunin kana daw nya.”

“Ganda ng kanta ang nagkanta lang yong pangit sana kunin kana ni lord.”

“Meet up kayo ni lord maliliwanagan ka.”