May ‘something’ ba kina Tony Labrusca, Raymond Gutierrez?

USAP-USAPAN sa social media ang TikTok video na magkasama sina Tony Labrusca at Raymond Gutierrez.

Pinost ni Raymond ang video habang sumasayaw sila ni Tony sa saliw ng kantang “Say So” ni Doja Cat, isang American female rapper and singer.

Bandang dulo ay makikitang lumapit si Raymond kay Tony at inakbayan ang huli.

Caption ni Raymond: “Millenials trying TikTok @tony.labrusca.”

Ngayon ay naka-base ang twin brother ni Richard sa US. Samantala, nasa Amerika rin ngayon si Tony kasama ang kanyang ina na si Angel Jones.