Marco Gumabao, Christine Reyes exclusively dating na nga ba?

NI-reveal ng aktor na si Marco Gumabao na masaya silang dalawa ngayon ng aktres na si Christine Reyes.

Usap-usapan na dating ang dalawa matapos ma-ispatan sa Siargao na magkasama.

Hindi naman binanggit ni Marco kung ano nga ba ang kanilang real score.

“Basta you’ll find out when the time is right. Hindi naman sa hindi pa right time ngayon pero siguro, we’re just enjoying ‘yung time namin na kami muna, na wala munang nakikiusyoso,” sey niya sa press conference ng pelikulang Baby Boy Baby Girl.

“Happy naman kami sa tahimik na buhay. Hindi naman kami nagde-deny ni Cristine. Of course, napag-usapan na rin namin to, we’re not denying anything… Parang mas masarap lang na private at walang nakiki-ano. Ayoko munang magsabi ng mga label-label na ganyan. For me, labels put a lot of pressure on your relationship. Basta ako, kaming dalawa, happy kami,” sey pa niya.