Manufacturer ng ‘Banayad’ kinasuhan ng pamilya ni Dolphy

INASUNTO ng pamilya Quizon ang nasa likod ng “Banayad Whisky” sa paggamit nito ng nasabing pangalan at mukha ng namayapang King of Comedy na si Dolphy sa label.

“This serves as a warning to all. This bootleg seller is using my dad’s image and banayad whisky, which are patented and with copyrights,” ani Eric Quizon sa Instagram post.

Ibig nitong sabihin, paliwanag niya, walang maaaring gumamit ng pangalan at imahe ni Dolphy at pangalan ng “Banayad Whisky” nang walang pahintulot ng pamilya Quizon.

Dagdag ng actor-director, noong una ay nakikipag-usap pa sa kanila ang manufacturer.

“[B]ut [stopped] communicating when the Quizons demanded them to stop selling. We have filed a case against [them]. Please BEWARE! #banayadwhiskey,” ani Eric.