LOOK: Jinkee Pacquiao, Hollywood star Adrien Brody

ANG shala talaga ng lola Jinkee Pacquiao.

Dinispley lang naman niya sa kanyang Instagram account ang photo niya at ng Hollywood star na si Adrient Brody.

“With Adrien Brody,” ang simpleng chika ni Jinkee sa kanyang post sa IG nitong Huwebes bagamat ang picture ay posibleng kinunan noong araw ng laban ng kanyang mister na si Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas.

Ang suot ni Jinkee kasama ng aktor na bida sa 2020 film na “The French Dispatch” ay siya rin niyang suot nang laban ni Manny noong Agosto 21 sa Nevada.