KYLINE ALCANTARA NILAIT NG DIREKTOR: ‘TAGA-BICOL KA, PANGIT NG ACCENT MO!’

ISA sa hindi makakalimutang experiences sa showbiz ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ay noong nilait at diniscriminate siya ng isang direktor.

Kwento ni Kyline, talent (ekstra) pa lang siya noon when the director, whom she did not name, confronted her when she fumbled her lines.

Sabi ba naman sa kanya ni direk: “Talent ka lang! Diyan ka lang! Taga-Bicol ka pa! Ang pangit ng accent mo! Ayus-ayusin mo ‘ýan! Asan ba nanay mo?”

Hiyang-hiya raw siya noon dahil marami ang nakarinig habang pinagagalitan siya ng direktor.

Naawa rin siya sa mother niya na naroon sa set at nadinig ang litanya ni direk.

Aniya, tinandaan niya ang pamamahiyang iyon sa kanya kaya lagi na siyang prepared–saulo na ang script at nakapag-internalize na– kapag darating sa taping. –A. Mae Rodriguez