GUMALING SA COVID-19, NAAKSIDENTE

SUMALPOK sa concrete barrier sa Maynila kahapon ang ambulansya ng Quezon City na may sakay na gumaling sa Covid-19.

Hindi naman nasaktan ang pasyente, isang lalaki, pero nasugatan ang kasama niyang babae. Inilipat sa ibang ambulansya ang pasyente habang dinala sa pagamutan ang sugatang pasahero.

Hindi umano napansin ng driver ang harang sa Padre Burgos st. kaya dumiretso ito ng takbo.

Napag-alaman na galing ang ambulansya sa isang quarantine facility at ihahatid na sana sa bahay ang gumaling na pasyente.