MELAI DI PALABIGASAN NG KAMAG-ANAK

NI-REVEAL ng comedienne-TV host na si Melai Cantiveros na dine-discourage niya ang kanyang mga kamag-anak na humingi ng pera sa kanya.

Sa interview ni Enchong Dee sa YouTube vlog nito, sinabi ni Melai na tumatanggi siya kapag nanghihingi ng pang-tuition para sa mga anak ang kanyang mga kapatid.

“Bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. Dapat kayo maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagtatrabaho si ate. Dapat nagtatrabaho ka rin. Kunwari sinabi ng kapamilya ko, tuition fee. Bakit ako mag-tuition fee? Responsibilidad mo ‘yan,” ani Melai.

Pero idinagdag naman niya na bukas-palad naman siya sa mga kamag-anak sa maraming bahay, gaya ng panlilibre sa mga ito sa kanyang pagta-travel.

Aniya, ngayon ay natuto na siyang mag-ipon at mag-invest dahil mayroon na siyang sariling pamilya. Hindi raw gaya noong bago pa lang siyang kumikita sa pagiging artista na talagang ginastusan niya ang mga bagay na pinapangarap lang niya noon. –A. Mae Rodriguez