Kim Atienza ‘ipinahiya’ ni Rabiya Mateo: Fan ako ni Mario Maurer ‘no

FAN ng Thai actor na si Mario Maurer si Miss Universe Philipines 2020 Rabiya Mateo taliwas sa sinabi ni ABS-CBN host Kim Atienza.


Sa Instagram Story, ipinost ni Mateo ang picture ni Maurer sakay nilagyan ng caption na “OMG!!! Fangirling rn.”


Tila panonopla ito ni Mateo kay Atienza na sinabing hindi siya fan ni Maurer.


Matatandaang sinagot ni Atienza si Maurer nang batiin ng aktor si Mateo na sasabak sa Miss Universe pageant sa Florida sa isang linggo.


“I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that,” sabi ni Maurer. “And you know I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish good luck.”


Nagkomento naman ang weather anchor ng ABS-CBN na, “No Rabiya is not a fan of yours. Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that.”


Maliban sa mga netizens, nainis din si Cavite Governor Jonvic Remulla kay Atienza sa sinabi nito kay Maurer.


“Quite unbecoming for a news personality to be conducting himself like that. Good luck @Rabiyamateo11! You need all the support you can get. Make the country proud,” ani Remulla sa Twitter.


Nagsimula ang galit ni Atienza kay Maurer nang padalan ng cease and decease order ng kampo ng Thai actor ang komedyanang si Kakai Bautista para tigilan na nito ang panggagamit at pagbabanggit sa pangalan ng aktor tuwing may interview siya.


Todo-tanggi rin si Maurer na nagkaroon sila ng relasyon ni Bautista.