Lalaki nagparaos sa harap ng tindahan, wanted sa pulis

PINAGHAHANAP na ng pulisya ang lalaki na nag-masturbate sa harap ng tindahan sa Ormoc City.


Sa viral post, makikita ang larawan ng suspek na nakalabas ang ari sa harap ng tindahan sa Brgy. Linao.


Ayon sa may-ari ng tindahan na si Mary Rose Taneo, 19, nagulat siya nang biglang nagparaos sa kanyang harapan ang lalaki.


Noong una ay inakala niyang bibili lamang ang lalaki, na nakasuot ng helmet.


Magkahalong galit at takot ang naramdaman niya dahil nagtangka pa umanong pumasok ng tindahan ang lalaki.


Nilakasan na lang ni Taneo ang loob niya at kinuha ang cellphone saka pinktyuran ang manyak.
Umalis ang lalaki matapos ang insidente.


Ipinost ni Taneo ang larawan ng suspek sa Facebook para bigyang babala ang iba pa umanong mabibiktima nito.