Tren ng MRT-3 binaboy

BLANGKO pa rin ang Department of Transportation (DOTr) sa mga nag-vandalize sa tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) Miyerkules ng gabi.


Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, nirerebisa pa ng kagawaran ang mga footage ng CCTV cameras sa Taft Ave. Station para makikilala ang responsable sa pambababoy sa tren.


“Initial investigation reveals that culprits may have entered Taft Ave. Station via a recently-discovered damaged perimeter fence in front of a gasoline station,” ayon kay Libiran.


Makikita sa larawan na ipinost ng opisyal sa Facebook na sinulatan ng salitang “cranks” ang isang bahagi ng tren.


“Mga kababayan, may mga tao talagang hindi masaya sa pagbabago. Gagawa at gagawa talaga ng paraan para manggulo,” aniya sa post.


Isasailalim ang tren sa cleaning at repainting, dagdag ng opisyal.