KC, Kiko, Frankie may ‘tampuhan’ nga ba?

MAY tampuhan ba?

‘Yan ang tanong ng mga Marites makaraang hindi magpakita si KC Concepcion sa 60th birthday ng kanyang stepfather na si dating Sen. Kiko Pangilinan.

Mas lalong tumindi ang hinala na may tila may “something” sa pagitan ni KC at sa family ng kanyang ina na si Sharon Cuneta dahil in-unfollow rin niya sa Instagram si Kiko at half-sister na si Frankie.

Kapwa rin hindi na pina-follow nina Kiko at Frankie si KC.

Samantala, naka-follow pa rin si KC kay Sharon.