Magnitude 5 na lindol gumising sa South Cotabato

NIYANIG ng magnitude 5 na lindol ang timogkanlurang bahagi ng Surallah sa South Cotabto Sabado ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS naganap ang pag-uga alas-3:13 at naitala ang Intensity IV sa Surallah, Banga, Tampakan, Tupi, T’Boli, at City of Koronadal, South Cotabato; Maasim, Alabel, Glan, and Malapatan, Sarangani; General Santos City.

Naitala naman ang Intensity III sa Lake Sebu, South Cotabato; Malungon, Sarangani; at Intensity II sa Maitum, Sarangani.

Sinabi ng Phvolcs na posibleng magdulot ito ng pinsala at asahan na rin ang mga aftershock.