Kaye itinangging naging side chick ni Daniel

DINENAY ng Cebu-based actress na si Kaye Abad na isa siya sa naging babae ni Daniel Padilla noong karelasyon pa ito ni Kathryn Bernardo.

“Grabe, nakakatawa ‘yang issue na ‘yan!” ani Kaye sa isang panayam.

Ayon sa aktres, nakarating na sa kanya ang chikang blind item na nag-check-in sila ni DJ sa hotel noong 2018.

Sinundan umano ni Karla Estrada si Daniel sa hotel at pilit na pinalalabas ang anak. Pero dahil sa protocol ng hotel na hindi pwedeng isiwalat ang room ng kanilang guest ay walang nagawa ang ina kung hindi ang umuwi na lang.

Noong 2016 pa kasal si Kaye sa Cebu-based businessman at TV personality na si Paul Jake Castillo.