Kanta ni Shanti Dope nasa ‘Avengers’ TV series

GLOBAL na ang Pinoy hip-hop artist na si Shanti Dope.


Sa bagong episode ng Disney+ series na “The Falcon and the Winter Soldier,” maririnig ang kontrobersyal na kanta ni Shanti Dope na “Amatz”.


Pinatugtog ito sa isang eksena nang dumayo ang mga bida sa isang siyudad malapit sa Singapore at Sumatra.


Matatandaan na ipina-ban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpapatugtog sa “Amatz” dahil tungkol umano ito sa droga.


Itinanggi naman ng kampo ni Shanti Dope ang akusasyon.


Ang “The Falcon and the Winter Soldier,” na pinagbibidahan nina Anthony Mackie at Sebastian Stan, ay tungkol kaganapan sa


Marvel Universe matapos ang mga pangyayari sa “Avengers: Endgame.”