Julia handa nang bumuo ng pamilya kasama si Gerald

IBINUNYAG ni Julia Barretto na handa na siyang bumuo ng pamilya kasama ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.


Sa vlog, tinanong ni Gerald kung ano ang mga plano ni Julia sa mga susunod na taon.


“What is your 5- to 10-year plan? tanong ni Gerald.


“Family,” sagot ng aktres.


“San don? Sa 5 or sa 10?” tanong muli ni Gerald.


“Next year,” sagot ni Julia na ikinagulat ng boyfriend niya.


Sa nasabing vlog pa rin ay chinika ni Julia na handa niyang iwan ang showbiz para sa simple at quiet life.


“Yes, I always dream of simple and quiet family life,” sey niya.