Ex-DILG Usec Andanar pumanaw

KINUMPIRMA ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na pumanaw na ang kanyang ama na si dating Interior Undersecretary Wencelito Andanar sa edad na 73.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng nakababatang Andanar na binawian ng buhay ang kanyang ama sa Veterans Memorial Medical Center matapos ang pakikipaglaban sa liver cancer.

“Brother and Papa Wency ‘69, When I meet you in the sun, I shall tell you much,” ayon sa opisyal sa kanyang Facebook page.

Ang matandang Andanar ay unang itinalaga bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo bago inilagay bilang chairman ng Philippine Coconut Authority.

Hinirang din siya ni Pangulong Duterte bilang special envoy sa Malaysia at nagatagal doon ng anim na buwan.