Julia Barretto dedma sa birthday greeting ng ama

KUNG sa birthday greeting ng boyfriend niyang si Gerald Anderson ay mayroong “I love my life with you” reply si Julia Barretto, dedma naman ito sa mga pagbati ng kanyang ama na si Dennis Padilla.

Sa Instagram ay nag-post si Dennis ng dalawang greetings sa anak.

And as of posting time, ni isa sa mga greetings ng ama ay hindi nireplayan ni Julia.

Unang ipinost ni Dennis ang photo nilang mag-ama na may caption na, “Julia… happy bday anak i love you… God bless you more!”

Sa ikalawang post ay makikita ang picture ng aktres bilang flower girl.

“Julia…. Time really flies… happy birthday… Love you anak God bless you more,” ani Dennis.