JPE tinawag na bastos, mahalay si Vice Ganda; tinalakan ng publiko

PINUTAKTI ng puna si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile ng mga fans ni Vice Ganda makaraan niyang tawagin na “salacious” at “indecent” ang TV host-comedian.

Sey ng mga nanggagalaiting fans ng Unkabogable Star:

“Vice Ganda isn’t a convicted criminal. Idk about Enrile who played a heavy hand on martial law and human rights violations but is out on bail bc of his health but seems to be healthy enough to go back to jail.”

“Hindi ba kumakain ng cake ang matandang ulianin na si Juan Ponce Enrile? Hahahaha.”

“Buhay pa pala ang gurang na si Enrile eh panahon pa ng mga dinosaur buhay na yan.”

“Tumigil ka na Enrile. isa ka pang salot sa lipunan. Magpahinga ka na.”

“Pag straight na nambababae ok lang pero pag bakla na kumain ng icing salicious?”

Sa kanyang radio program sa SMNI, sinabi ni Enrile na “super bastos” si Vice gaya ng ibang tao na may impluwensya at kapangyarihan.

“Ang problema kasi sa bansa natin kapag meron kang kapangyarihan political, social, o economic o whatever, hindi mo na iniisip yung kapwa,” paliwanag ni Enrile.

“Yung binigay na katangian mo sa iyong lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kakulangan ng iba. Sarili mo na lang iniisip mo, akala mo maganda ‘yung ginagawa mo. Super bastos ka, bastos kang tao,” dagdag niya.

Hirit pa ni Enrile: “Hindi lang walang decency kundi abusado. Alam ko na mapagpatawa ‘yang binabanggit mo na babae (Vice Ganda) magmula pa ng araw ganyan na ‘yan… you’re earning your living and popularity sa kabastusan.”