Joshua Garcia nag-topless sa ‘Darna’

HINDI nag-inarte ang young actor na si Joshua Garcia nang sabihin na kailangan niyang maghubad sa isang eksena ng “Mars Ravelo’s Darna.”

Sa isang panayam, sinabi ni Joshua na vital sa story ang kanyang pagta-topless.

“Na-convince ako kasi nasa tamang edad na rin naman ako and hindi naman sa sobrang laswa na ipapakita ko ’yun. Topless lang. Okay lang naman,” sey niya.

“Nahirapan lang akong mag-prepare. Medyo nagbuhat ako nang konti. Konti lang. Hindi talaga ako sanay na nagbubuhat,” dagdag ni Joshua.

“Labas din siya sa comfort zone ko so why not gawin natin hanggang sa nangyari na,” sabi pa ng leading man ni Jane de Leon, na gumaganap bilang Darna.