ANGELICA PANGANIBAN TINALAKAN ANG NETIZEN NA TINAWAG SIYANG LAOS

HINDI nagpapigil at tinalakan ng aktres na si Angelica Panganiban ang netizen na tinawag siyang “laos” at sinabihang manahimik kesa punahin ang Covid response effort ng administrasyon.


Sa Twitter, niresbakan ni Angelica ang netizen na may handle na Sarah na nagsabi na “Hey, laos. Shut up na! Di mo na mababangon ang career mo kahit mag iingay ka pa jan. If you want, tumulong ka. Puro ka reklamo!”


Balik-banat ng aktres: “Hello Sarah. Style mo baguhin mo. Paulit ulit kayo. Baka next question dito Ano ambag ko? Face with tears of joy baka d ka bayaran sa performance mo. Bakit d mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sayo. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sayo.”


Isa ang nasabing netizen sa mga nagkomento sa naunang tweet ni Angelica kaugnay sa dami ng bagong active cases sa bansa.


Hirit ng aktres: ‘Hinang hina ka na… maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka sa covid mami! Pano na pa ospital? Gamot? Mental care?! Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? D naman diba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional. #freemasstesting” –A. Mae Rodriguez