Jessy Mendiola nadale ng Covid

ISINIWALAT ng aktres na si Jessy Mendiola na nagkaroon siya ng Covid-19 habang ipinagbubuntis ang panganay nila ni Luis Manzano.

Ayon sa aktres, labis-labis ang pag-aalala niya hindi para sa sarili kundi para sa baby sa kanyang sinapupunan.

“Magti-three years na ‘yung [Covid-19], ngayon lang ako nag-positive. Actually, naiyak ako kay How How nu’ng nalaman kong positive ako kasi siyempre si Peanut talaga ‘yung iniisip ko,” aniya sa vlog.

Agad namang nawala ang mga sintomas ng sakit salamat sa bakuna, aniya.

“Ang laki ng naitulong sa akin ng vaccine. Naka-four shots na ako ng vaccine before pa ako mabuntis,” ayon kay Jessy.