Jaya naaksidente habang papunta sa concert ni Regine

ISINUGOD sa ospital ang dalawang kasama ng singer na si Jaya makaraang mabangga ang kanilang sasakyan habang patungo sa concert ni Regine Velasquez sa Sacrameto, California.

Ayon kay Jaya, walang tinamong pinsala sa katawan ang dalawang kasamang sina Dr. Josephine Webber at Merly Escolta pero kailangan pa ring suriin sa pagamutan.

“I am doing ok but my friends are being checked and they will be alright, by God’s grace. Thank you Jesus for sending us divine protection and covering us with your blood. It could’ve been super worse. I’m glad Doc and Auntie Merls are ok,” aniya.

Kuwento ni Jaya, papunta ang kanilang grupo sa Graton Casino kung saan magtatanghal si Regine nang maganap ang aksidente.

Wasak ang likurang bahagi ng sasakyan habang nayupi ang unahan nito.

“Thank you Lord for making it another day. I am grateful for your mercy and grace. Praise your Holy name,” aniya.