Ivana nag-disguise na pulubi, namigay ng pera

ILANG kababayan ang nabiyayaan ng vlogger-actress na si Ivana Alawi na nagpanggap na pulubi at nanghingi ng limos sa lansangan ng Metro Manila.

Isa rito ang vendor na si Joselito Martinez na binigyan ni Ivana ng P20,000 makaraan niyang abutan ng P20 at aluking kumain ang social media star.

Niregaluhan din ni Ivana ng P20,000 ang isa pang di-nakilalang lalaki na naawa sa itsura niya kaya binigyan siya ng P20.

May ilan pang tumulong sa aktres na biniyayaan niya ng tig-P5,000.Naka-wig, madungis at nakasuot ng lumang damit si Ivana habang lumalapit sa mga tao at nanghihingi ng pamasahe para makauwi ng Baguio City.

Mapapanood ang mga kaganapan na ito sa vlog ni Ivana sa YouTube.