Mga lasenggero nag-panic buying ng alak

Halos magkagulo ang mga lasenggero kahapon sa mga pamilihan o tindahan ng mga alak matapos ideklara ng ilang local government units na mapapatupad ang mga ito ng liquor ban kasabay ng curfew na nagsimula kagabi.

Halos pakyawin ng ilang mga lasenggero ang mga alak sa tindahan para matiyak na may suplay sila ng paborito nilang inumin sa loob ng dalawang linggo.

Isa sa mga nasaksihan ng Publiko ay ang kahon-kahon na pagpakyaw ng ilang mamimili sa isang tindahan sa Valenzuela City.

Isa ang Valenzuela sa maagang nagpatupad ng liquor ban kasabay ng unified curfew na ipinatutupad sa buong Kamaynilaan na nagsimula Lunes ng gabi, Marso 15 at tatagal ng Marso 31.