Congressman gumaling sa Covid-19

ISINIWALAT ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na nagpositibo siya sa Covid-19 dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa kasalukuyan, ani Defensor, ay maaayos na ang kanyang pakiramdam at sasailalim na lamang sa confirmatory test upang masigurong negatibo siya sa sakit.

Maliban sa mambabatas, pitong kapamilya niya ang nahawahan din ng Covid-19. Nagpapagaling habang baka-quarantine na rin ang mga ito, dagdag niya