Ina ni K Brosas yumao

NAGLULUKSA ang singer-comedienne na si K Brosas sa pagyao ng kanyang ina kamakailan.

Ibinahagi ni K ang malungkot na balita sa pamamagitan ng black-and-white picture ng dove na may nakasulat na “Rest in Peace” na ipinost niya sa kanyang Instagram page nitong Biyernes.

“Mama, maraming maraming salamat sa lahat. I love you. Rest in heaven’s glory,” aniya naman sa caption.

Kapatid ng biological mother ni K ang namayapa.

Sa isang panayam, sinabi ng komedyana na huli silang nag-usap ng ina noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay K, matagal silang walang komunikasyon dahil sa isang hindi pagkakasunduan. Sa Italy namatay ang ina ni K kung saan ito nanirahan kasama ang iba pa nilang kapamilya.

Ilang mga kaibigan sa showbiz ang nakiramay kay K gaya nina Pokwang, Vina Morales, Darren Espanto, Arnel Pineda at Candy Pangilinan.