Aljur, AJ live-in na

SA isang bahay sa Pampanga nakatira sina Aljur Abrenica at AJ Raval, ayon sa ama ng aktres na si Jeric Raval.

Sa panayam, sinabi ni Jeric na walang katotohanan ang mga balita na on-the-rocks ang relasyon ng dalawa.

“Magkasama sila ngayon,” sabi ni Jeric sa showbiz writer na si Morly Aliño.

“Lagi silang magkasama araw-araw. Pag uuwi ng Pampanga ‘yung isa nasa Pampanga rin ‘yung isa. Kung saan nauwi ‘yung isa nandoon din ‘yung isa, hindi naman sila naghihiwalay,” dagdag niya.

At hindi rin totoo, sambit ni Jeric, na buntis si AJ kaya nawawala ito sa limelight.

“Tuwing nagbabakayon ‘yan buntis, sabi nila. Natatawa na lang ako,” sey niya.

Ang totoo, wika ni Jeric, gusto lang magpahinga ni AJ.

“Ano kasi ‘yung batang ‘yun, e, ayaw niya ng naba-bash siya. Meron siyang ganu’n factor pag napupulaan siya nagkakaroon siya ng lack of interest sa lahat ng bagay,” paliwanag niya.