Imee todo deny na namigay ng MIM ticket

TODO tanggi si Senador Imee Marcos sa mga ulat na namigay siya ng mga libreng tiket para sa kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang” kung saan inoobliga ang mga ito na panoorin ang nasabing palabas.

“Hindi! Naku para namang ang Viva papayag ng ganun, kilala naman natin si Boss Vic Del Rosario,” ayon kay Marcos.

“Lahat ‘yan binibili kaya nga lang maraming sector na nag-volunteer kaagad at humingi ng block screening. ‘Yun ‘yung mga pinamimigay na ticket,” paliwanag ni Marcos


Sinabi niya na maraming loyalista ang Marcos kaya naman marami ang nanonood.

“Yung nag-block screening tapos pinamimigay sa empleyado, sa staff, sa kamag anak. Marami na ring loyalista siguro,” sinabi ni Marcos.