Hipon’ girl sasali sa Bb Pilipinas; goal maging Pia, Catriona

SUMASAILALIM sa beauty training ang vlogger na si Herlene Budol alias Hipon bilang paghahanda sa Binibining Pilipinas.

Isiniwalat ni Hipon na kasalukuyan siyang nagte-training sa pageant camp na Kagandahang Flores.

“Nagte-train ako sa Kagandahang Flores. Kung paano ko disiplinahin ang sarili, kung paano mag-makeup, kung paano magsalita, kung paano maglakad, kung paano ang tamang pag-upo, posture, yung mindset,” aniya.

“Ibi-build ka niya na maganda talaga. ‘Yung pag-training ko dito, di lang para makuha ‘yung crown kundi para ma-develop ko ang pagkatao ko kung ano ang pagkakakilala dati. Di ko babaguhin, pero dadagdagan ko ang knowledge ko,” dagdag niya.

Isiniwalat ni Hipon na na-bully siya nang husto makaraan niyang manalo bilang Bb. Angono ng Sining noong 2017.
“Napagkakamalan akong bakla dati pa, pati boses ko,” aniya. “Akala nila babaihan ka, napagkamalan akong bakla.”

Kabilang sa mga beauty queens na sumailalim sa training ng Kagandahang Flores sina Miss International 2005 Precious Lara Quigaman, Miss Earth 2008 Karla Henry, Miss International 2013 Bea Rose Santiago, Miss Earth 2014 Jamie Herrell, Miss Earth 2015 Angelia Ong, at Miss Earth 2017 Karen Ibasco.