Glydel muntik mamatay sa kulam; gumaling sa tawas

ISINIWALAT ni Glydel Mercado na muntik na siyang mamatay makaraang ipakulam ng kamag-anak. Gumaling naman siya makaraang tawasin ng albularyo.

Sa isa panayam, sinabi ni Glydel na bumagsak ang kanyang katawan dahil ilang buwan siyang walang ganang kumain.

“After taping for the series ‘Artikulo/247’ noong January, nagkaroon ako ng palpitation, anxiety attacks at fear of food. Kapag sinasabing kakain na, nanginginig na ako tapos umiiyak ako habang kumakain,” kwento niya.

Ilang espesyalista ang pinuntahan niya pero walang nakitang sakit ang nga doktor.

Nang tumungtong na sa 90 pounds ang kanyang timbang, nagdesisyon si Glydel at asawang si Tonton Gutierrez na sumangguni sa albularyo.

“Naniniwala kami sa tawas kasi kapag yung mga anak namin may nararamdaman, pinapatawas din namin,” sabi niya.

Ayon sa faith healer, may dalawang tao umano na pinaghihirapan ang aktres, isa rito ay kamag-anak na hindi umano niya natulungan.

Makaraang “gamutin” nang mahigit buwan ay bumalik ang sigla sa pagkain ni Glydel.

Napag-alaman din niya na namatay ang kamag-anak na pinagsususpetsahan niya na nagpakulam sa kanya.

“Simula noong November, healed na ako. Okay na ako,” aniya.