Gloria Diaz kumpyansang maiuuwi ni Rabiya Mateo ang Miss U crown

NANINIWALA ang veteran actress at 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz na maiuuwi ni Rabiya Mateo ang Miss Universe title.


Ani Gloria, malakas ang pakiramdam niyang si Rabiya ang magiging ikalimang Miss Universe ng Pilipinas base na rin sa mga online polls at mga komento sa social media.


Kasalukuyang nasa US si Rabiya para sa grand coronation ng Miss Universe 2020.


Gaganapin ito sa Mayo 16 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida.


Si Gloria ang kauna-unahang Miss Universe ng bansa na sinundan nina Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray.