Libreng pamasahe alok sa community pantry

TRENDING sa social media ang community pantry sa Samar Avenue, Quezon City na nag-aalok din ng pamasahe sa mga nangangailangan.


Ayon sa organizer na si Albert Labrador, nakuha niya ang inspirasyon mula sa singer-songwriter na si Gary Granada.


Sa isang kahon ay maaaring kumuha ang mga kinulang sa pamasahe at pwede ring magbigay ng barya.


Iba’t ibang community pantry na ang nag-usbungan matapos itong simulan sa Maginhawa.


Iba’t-ibang produkto na rin ang ipinamimigay, maliban sa grocery items at gulay, gaya ng sapatos, cupcakes, taho, tsinelas at halaman.