Ai Ai magpapabakuna sa US

SA Amerika planong magpabakuna kontra-Covid 19 ni comedy queen Ai Ai delas Alas dahil nangangamba siya sa mga side effects nito sa kanya.

Dahil sa kanyang health condition din kaya mas gusto niyang doon pabakuna kasama ang asawang si Gerald Sibayan.


“Medyo half-half ako sa bakuna kasi, ‘di ba, organic ako? Tapos kapag may mga sobrang allergy, huwag munang magpabakuna,” ani Ai Ai.


“Green card holder ako, kapag in case, knock on wood, magkasakit ako doon, baka gawan naman nila ng paraan na gamutin ako,” dagdag niya.


Hindi naman tahasang sinabi ng komedyana na ayaw niyang paturok sa Pilipinas.


“Doon na lang ako. Doon kasi, kapag green card holder ka, libre ka,” sabi ni Ai Ai.