Gardo payag multuhin ni Jaclyn

PAYAG si Gardo Versoza na dalawin siya ng kaibigang si Jaclyn Jose na sumakabilang-buhay ilang linggo na ang nakararaan.

Sa isang sulat sa Instagram, sinabi ni Gardo na marami siyang ibabalita kay Jaclyn ukol sa mga ganap sa burol at libing ng multi-awarded actress.

“I’m sure alam mo na ang mga kaganapan abe at katawa tawa di ba…pang cannes ang mga performances,” unang hirit ni Gardo.

“Miss kita abe…pag pinayagan ka ni Ama dalaw ka lang sa akin anytime…dami kong blind items sa iyo hehehe,” dagdag niya.

Bilin pa niya sa kaibigan: “[Ikumusta mo ako] sa mga nanay natin I’m sure sarap ng kwentuhan nyo dyan.”
“Labyu abe…mishu,” mensahe pa niya kay Jaclyn.

Nagkasama sina Gardo at Jaclyn sa mga pelikulang “The Prenup” at “Mula sa Puso” at sa mga teleseryeng “A1 Ko Sa ‘Yo” at “Bolera.”