Kotse ng BuCor chief pinutukan

BINARIL ang sasakyan na pag-aari ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. nitong Martes ng umaga sa bahagi ng Skyway sa Quezon City.

Ayon sa ulat, binaril ang Toyota Hilux ng mga hindi kilalang salarin habang papunta ito para sunduin si BuCor Deputy Director General Al Perreras.

Wala naman sa loob ng sasakyan si Catapang o Perreras nang maganap ang pamamaril.

Hindi rin nasugatan sina COs1 Cornelio Colalong at Leonardo Cabaniero na noon ay sakay ng kotse.
Ayon kay Catapang, matagal nang may banta sa buhay nila ni Perreras.

“Catapang said that both he and Perreras have been receiving death threats since they implemented various reforms in the agency and this incident will not deter them from continuing what they started,” pahayag ng ahensya.

Tumanggi namang magkomento ni Perreras sa pangyayari.