Heneral na naharang ang promosyon inamin ang kabit pero…

INAMIN ng opisyal ng Armed Forces of the Philippines, na bigong makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang promosyon, na nagkaroon siya ng ibang babae.

Gayunman, itinanggi ni Brig. Gen. Ranulfo Sevilla ang alegasyon ng child abuse ng kanyang asawa.

Hirit niya, ang mga kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children na isinampa laban sa kanya ng asawang si Tessa Luz Reyes-Sevilla ay ibinasura na ng korte.

Ayon kay Sevilla, nagkaroon nga siya ng relasyon sa ibang babae pero ito ay pagkatapos lamang niyang maghain ng petisyon para mapawalang-bisa ang kasal nila ng asawa.

Bigong makalusot sa Commission on Appointments ang promosyon ni Sevilla matapos itong harangin ng kanyang maybahay na isiniwalat ang mga naranasang paghihirap sa piling ng asawa.