Friends lang daw sila ni Andre, Rabiya Mateo: ‘I’m not available’

ITINANGGI ni Rabiya Mateo na may namamagitan sa kanila ng dating Pinoy Big Brother housemate at model na si Andre Brouillette.


Ngayong araw ay ni-repost ni Miss Universe Philippines 2020 ang mga nag-viral na picture nila ni Andre at nilagyan niya ng mga hashtag na “#Friends,” “#Workmates,” “#NoMalice” and “#ImNotAvailable.”


Na- mention din ni Rabiya ang “#Empire” at “#Mercator,” mga kumpanya ni Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud.


Kumalat ang kuwento na nagde-date ang beauty queen at ang model makaraang kumalat kahapon sa social media ang larawan nila na kuha sa Beverly Hills, California.


Nag-share din si Andre ng video ni Rabiya na binibigyang parangal ng Philippine Consulate General sa Los Angeles.


Bago ito, maraming netizens ang nakapansin na wala na ang mga larawan ni Rabiya sa Instagram feed ng boyfriend niyang si Neil Salvacion.