Pinoy tigok sa US mass shooting

KABILANG ang Pinoy sa walong napatay nang maghuramentado ang isang public transit worker at pagbabarilin ang kanyang mga katrabaho sa San Jose, California.


Isa si Paul dela Cruz Megia, 42, isa mga kawani ng Valley Transportation Authority na nasawi sa pinakabagong insidente ng mass shooting sa US.


Kinilala ang iba pang natodas na sina Taptejdeep Singh, 36; Adrian Balleza, 29; Jose Dejesus Hernandez III, 35; Timothy Michael Romo, 49; Michael Rudometkin, 40; Abdolvahab Alaghmandan, 63 at Lars Lane, 63.


Nakilala naman ang suspek na si Samuel Cassidy, empleyado rin ng VTA, na bumibiyahe sa San Jose, isang Silicon Valley tech hub.


Ayon sa asawa ng suspek, matagal na nitong inirereklamo ang kanyang trabaho at madalas din umano nitong sabihing na gusto nitong patayin ang mga katrabaho, pero hindi naman niya ito sineryoso.
Naganap ang insidente habang nagpupulong ang 80 empleyado alas-7 ng umaga, ayon sa ulat.